3-day relief operations series ng SMNI Foundation at China, matagumpay

3-day relief operations series ng SMNI Foundation at China, matagumpay

MATAGUMPAY ang 3-day relief operations ng SMNI Foundation at People’s Republic of China para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Sa Brgy. Talasa, Panay, Capiz ay 300 pamilya ang benepisyaryo ng ipinamahaging tulong.

Kaparehong bilang din ng beneficiaries ang nakatanggap sa Brgy. Tinigaw, Kalibo, Aklan nitong Miyerkules.

Araw naman ng Martes ay sa bayan ng Parang at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao namahagi ang SMNI Foundation at People’s Republic of China.

At sa unang araw ng 3-day relief operations noong Nobyembre 7 ay sa Brgy. Dila, Bay Laguna at Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas naman ang napiling bigyan ng tulong.

Ang serye ng relief operations na ito ay inisyatiba ng butihing Pastor, ang Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy kasama si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Follow SMNI NEWS in Twitter