OVP, namahagi ng relief operations para sa fire victims sa Mandaluyong

OVP, namahagi ng relief operations para sa fire victims sa Mandaluyong

AGAD na naghatid ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) kahapon, Hulyo 9, 2025 sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City para sa mga pamilyang biktima ng sunog noong nakaraang Sabado.

Umabot sa kabuuang 483 OVP Relief Bags na naglalaman ng mga hygiene kits, sleeping kits, dental kits at water container ang naipamigay sa mga apektadong residente.

Naipamahagi rin ang 483 packs ng biskwit, 1,464 pirasong diapers at 1,932 pirasong bottled waters na mula naman sa mga donasyon ng iba’t ibang mga indibidwal at organisasyon.

Sa kasalukuyan, pansamantala munang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa barangay evacuation center.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble