BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign, pinangunahan ng OVP – Pangasinan Satellite Office ang isang tree planting activity sa mangrove area ng Brgy. Bayambang, Infanta, Pangasinan nitong March 11, 2025.
Umabot sa kabuuang 10,000 mangrove propagules ang naitanim ng mga kawani ng OVP sa tulong DENR, CENRO Alaminos City, MENRO Infanta, BFP Alaminos, LGU Infanta, PNP, Coast Guard Infanta, KALIPI, Barangay Officials ng Bayambang, at ang Samahan ng mga Manggagawang Kababaihan ng Barangay Bayambang Inc.
Layunin ng OVP na makapagtanim ng 1 milyong puno sa buong bansa bilang suporta sa mga inisyatibo upang protektahan ang ating kapaligiran, at paghandaan ang epekto ng climate change sa ating mga komunidad.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.