SA patuloy na pagdiriwang ng ika-89 na anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP), isinagawa ang Thanksgiving Activity noong Nobyembre 23, 2024 sa mga bayan ng Santa Magdalena, Barcelona, at Prieto Diaz, Sorsogon.
Sa pamamagitan ng OVP – Bicol Satellite Office, 1,000 food packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa sektor ng fisherfolks at indigent families. Sa Santa Magdalena, 500 food packs ang naipamahagi habang tig-250 food packs naman ang natanggap ng mga benepisyaryo mula sa Prieto Diaz at Barcelona.
Layunin ng OVP Thanksgiving Activity na bigyang diin ang pagmamalasakit, pagkakaisa, at paglingap sa bawat Pilipino, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.