P1.18B sales leads nakuha ng bansa sa Arabian Travel Market 2025

P1.18B sales leads nakuha ng bansa sa Arabian Travel Market 2025

NAKAKUHA ang Pilipinas ng P1.18B na kabuuang sales leads sa naganap na Arabian Travel Market ngayong taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), patunay ito na mas nakikilala na ang mayamang kultura, likas na kagandahan, at turismo ng Pilipinas.

Dahil dito ay sinabi na rin ng ahensiya na handa na silang tumanggap ng maraming turista mula sa Middle East at mga bansa na sakop ng Gulf Cooperation Council (GCC).

Ang Arabian Travel Market 2025 ay ginanap sa Dubai World Trade Centre mula Abril 28–Mayo 1.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble