NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng 1.25 billion pesos bilang tulong sa hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa ilalim ng kanilang Swine Industry Recovery Project (SIRP), palalakasin ang biosecurity at pagsasamoderno ng farm infrastructure.
Kasali na rin dito ang pagpapabuti ng genetic quality at pagpapalawak ng market access ng hog industry.
Paraan na rin anila ito upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng baboy ngayon na nagiging dahilan upang tumaas ang presyo nito.