P1.4-b halaga ng luxury cars, natuklasan ng BOC sa Pasay at Parañaque

P1.4-b halaga ng luxury cars, natuklasan ng BOC sa Pasay at Parañaque

TINATAYANG P1.4B na halaga ng luxury vehicles natuklasan ng mga tauhan ng BOC sa Pasay at Parañaque City.

Ayon sa BOC customs intelligence and investigation service na nakatanggap ng mga larawan mula sa concern citizen patungkol sa mga mamamahaling sasakyan na hinihinalang smuggled.

Agad na pinuntahan ng kanilang tauhan ang ac Che Gong Miao sa Pasay at Topcar Specialist and Trading Corp. sa Parañaque City para kumpirmahin ang ulat.

Nang dumating ang kanilang mga tauhan sa lugar ay kumpirmado ngang may luxury vehicles sa lugar na ibinebenta online.

Kabilang sa mga sasakyan dito ang Ferrari, Lamborghini, Maybach, at Maserati.

Bagamat tinatayang nasa P1.4B ang halaga ng mga sasakyan, isasagawa pa ang opisyal na imbentaryo upang matiyak ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang yunit.

Agad namang sinarado ng otoridad ang 2 warehouse habang binigyan ng 15 araw ang mga may-ari, umuupa, nagpapaupa, nakatira, kinatawan, o sinumang may pananagutan sa mga warehouse mula sa pagtanggap ng letters of authority upang magsumite ng kinakailangang dokumento na nagpapatunay na ang buwis at bayarin ay nabayaran nang tama.

Kung mapatunayang walang tamang dokumento, maaari silang maharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble