P1.4-B, ilalaan para sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosal –DSWD

P1.4-B, ilalaan para sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosal –DSWD

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makararating agad ang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosal.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, nakahanda na ang kanilang tanggapan para tumulong sa mga local government units na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Naglaan ng pondo ang DSWD na inilipat na sa central office at field office gayundin sa National Resource Operations Center (NROC) na aabot sa ₱1.4 bilyon.

Habang mayroon ding 547,000 na family food packs sa mga naapektuhang LGU.

Nanawagan pa rin ang DSWD sa publiko na maging handa anumang oras at sundin ang mga utos ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Makipag-ugnayan din sa mga field office para malaman ang sitwasyon at kalagayan ng bawat isa.

Follow SMNI News on Twitter