P10.2-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Las Piñas

P10.2-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Las Piñas

NAKAKUMPISKA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng aabot sa P10.2-M na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Las Piñas.

Mula ito sa dalawang drug suspects na nahuli sa isinagawa nilang buy-bust operation nitong Linggo, Agosto 27.

Katumbas ang halaga sa 1.5 kilo na shabu.

Maliban sa shabu ay nakuha rin ng PDEA ang P1-K, itim na bag, IDs, tatlong analog phones, isang notebook na hinihinalang naglalaman ng drug transactions, bundle ng hindi pa nagamit na mga transparent plastic bag, at gray Toyota Vios car mula sa mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble