P1,000 incentive benefit sa mga pampublikong guro, aprubado na ni PRRD —DepEd

P1,000 incentive benefit sa mga pampublikong guro, aprubado na ni PRRD —DepEd

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay sa Department of Education (DepEd) ng P910 million na pondo para sa incentive benefit sa mga pampublikong guro.

Makatatanggap ng tig-isang P1,000 incentive benefit ang mga pampublikong guro sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng DepEd matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas para sa DepEd ng P910 milyon para sa incentive benefit ng mga pampublikong guro.

Ang nabanggit na insentibo ay pakikinabangan ng 910,000 na mga pampublikong guro para sa selebrasyon ng World Teacher’s Day sa Oktubre 15.

Ang pamahagi ng insentibo sa mga guro ay nakapaloob sa Republic Act No. 10743 o mas kilala sa tawag na “An Act Declaring the Fifth Day of October Every Year bilang National Teacher’s Day.”

Ayon sa DepEd na ang insetibong ibibigay ay kinikilala ang mahalagang papel ng  mga guro sa pagtugon sa mga hamon ng pandemya, lalo na sa pagtiyak sa pagpapatuloy ng pag-aaral.

Sa patuloy na paghahanda para sa School Year 2021-2022, nagpapasalamat ang DepEd sa mga guro na nagpakita ng kanilang serbisyo na paglingkuran at maturuan ang mga kabataang Pilipino.

Inanunsyo ng DepEd na maglalabas sila ng guideline sa pagbibigay ng nasabing insentibo sa lalong madaling panahon.

Iginiit ng pamahalaan na ito ay bilang pagkilala pa rin sa  mga guro na humuhubog sa mga kabataan kahit na marami ang kinakaharap sa gitna ng COVID-19 pandemic.

BASAHIN: DepEd, inilabas na ang school calendar para sa bagong academic year

SMNI NEWS