P113M, ginastos ng Office of the Vice President para sa COVID-19 pandemic response

P113M, ginastos ng Office of the Vice President para sa COVID-19 pandemic response

AABOt sa p113-m ang ginastos ng Office of the Vice President mula sa 2020 budget nito para sa COVID-19 pandemic response.

Ayon sa Commission On Audi (COA), ang mga nagastos ay may kaugnayan sa pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Roa Dduterte ng state of public emergency sa pilipinas.

Umabot sa p68 million ang ginastos para sa personal protective equipment, p15.5 million naman ang inilaaan para sa assistance sa mga Local Government Unit (LGUs).

P13 million ang ginastos para sa free shuttle services at dormitories para sa mga frontliners, locally stranded individuals at ayuda,meron namang 5.7 million para sa mga pamilyang apektado ng COVID-19.

Samantala, aabot sa p4.69 million ang ginastos para sa pagbili ng personal protective equipment, thermal scanners at disinfectants.

P2.05 million naman ang para sa mga health worker na naexpose sa covid-19, p934,289 ang ginastos para pambili ng pagkain para sa community kitchens, p810,000 ang ginamit sa pamamahagi ng locally-produced PPEs, P817,000 para sa mga contractual workers at p249,500 ang inilaan para sa total hazard pay

 

SMNI NEWS