P12.3-M halaga ng tulong, naiabot sa mga apektado ng Bagyong Amang

P12.3-M halaga ng tulong, naiabot sa mga apektado ng Bagyong Amang

UMABOT na sa 12.3 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Amang.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, Abril 14.

Apektado ng bagyo ang 1,324 magsasaka at mangingisda sa Bicol Region.

Habang nakapag-abot na ang gobyerno ng mahigit 293,000 piso ang halaga ng tulong sa apektadong residente.

Samantala, hindi madaanan ang 25 kalsada sa Bicol kaya pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong daan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter