ARESTADO ang dalawang suspek na sangkot sa P136-M halaga ng shabu sa isang buy-bust ops sa Parañaque City sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Joseph Cortez, 36; Jacqueline Espinosa, 37 habang nananatili at large ang isang nagngangalang Marion King John Cortez.
Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, nasabat ang 20 kilos ng suspected shabu sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA RO-National Capital Region at Tambo Substation 2 at Parañaque City Police Station.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.