P16.1-B, kailangan para sa digital infra project ng bansa

P16.1-B, kailangan para sa digital infra project ng bansa

NASA P16.1-B ang gagastusin para sa digital infrastructure ng bansa sa ilalim ng Philippine Digital Infrastructure Project.

Ang naturang proyekto ay nakalinya rin sa layunin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng public broadband infrastructure network sa buong bansa.

Sa pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, kung maisasakatuparan na ang proyekto ay tiyak na magiging sanhi ito ng economic development sa Pilipinas.

Aniya, ito’y dahil mas maraming mga Pilipino na ang magkakaroon ng digital access sa iba’t ibang public at private services.

Samantala, ang pondo para dito ay magmumula sa development assistance ng World Bank.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble