P179M halaga na ilegal na droga nakuha sa karagatan ng Ilocos Sur

P179M halaga na ilegal na droga nakuha sa karagatan ng Ilocos Sur

NAKADISKUBRE na naman ng isang sako na may lamang 25 pakete ng shabu sa katubigan malapit sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur nitong Lunes ng gabi, Hunyo 9, 2025.

Tinatayang nasa P179M ang halaga ng mga droga ayon sa Magsingal Police.

Ito ay dagdag sa mga shabu na nasamsam din sa katubigan ng Ilocos Sur mula noong nakaraang linggo.

Matatandaan na sa naunang insidente, dalawang mangingisda mula sa Sta. Cruz ang nag-turnover ng 30 packs ng ilegal na droga na nakalagay rin sa sako.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble