P199 halaga ng ticket ng Cebu Pacific magpapatuloy hanggang katapusan ng Marso

P199 halaga ng ticket ng Cebu Pacific magpapatuloy hanggang katapusan ng Marso

HINIHIKAYAT ng Cebu Pacific ang mga nagpaplanong maglakbay ngayong summer season na maaari nang mag-avail ng pinakamurang ticket sa halagang P199 one- way base fare.

Ito ay maging domestic o international destination hanggang Marso 31.

Sa naturang promo, hindi pa kasali rito ang iba pang bayarin at surcharges.

Ang Promo-versary Seat Sale ng Cebu Pacific ay mananatili ng hanggang Marso 31, 2024 habang ang travel period ay mula Abril 1 hanggang Setyembre 30, 2024.

Hinihikayat din ng CEB ang mga customer nito na gamitin ang kanilang Travel Fund sa pag-book ng mga flight para sa kanilang mga kaibigan at pamilya sa Bigating Promo-versary Seat Sale nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter