P2.5-B na pondo, kailangan ng NDA para mapataas ang local milk production

P2.5-B na pondo, kailangan ng NDA para mapataas ang local milk production

NAIS ng National Dairy Authority (NDA) na makapag-import ng nasa limang libong baka.

Hakbang ito para makamit ang local production na 80 million liters ng gatas sa taong 2028.

Mapapansing sa datos, 99 percent ng total consumption ng bansa ay imported.

Para makamit, kailangan lang anila ng pondo na aabot ng P2.5-B para sa pagtatayo ng laboratory facilities at para makapag-import ng naturang bilang ng mga baka.

Iyon nga lang, sinabi ni NDA Administrator-In-Charge Gavino Alfredo Benitez na nasa P420-M ang tanging aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2025.

Mas mababa ito sa P522-M na budget ng NDA ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter