APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.7B na budget para sa 2025 Bangsamoro elections.
Gagamitin ito para sa panukalang P2,000 na honoraria increase ng mga gurong magsisilbing electoral board members sa naturang halalan.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang panukalang naglalayong ilipat ang eleksiyon sa BARMM mula Mayo papuntang Oktubre 13, 2025.
Sa kabilang banda, makikipagkita sa Commission on Elections (COMELEC) ang itinalagang panibagong BARMM chief para talakayin ang ilang isyu gaya ng re-apportionment o muling paghahati sa pitong Sulu parliamentary seats.
Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu mula sa Bangsamoro.
Follow SMNI News on Rumble