ISANG weaving center ang itatayo sa munisipalidad ng San Remigio sa lalawigan ng Antique upang pasiglahin ang industriya ng paghabi sa lalawigan.
Ayon kay Mario Manzano, chairperson ng Bagtason Loomweavers Association (BLWA) ang dalawang palapag na weaving center ay nagkakahalaga ng P2-M.
Aniya, ang bagong proyekto ay gagamitin ng 30 miyembro ng Iguirindon Loomweavers Association na nakapagtapos sa kanilang training sa paghabi nitong Hulyo 2, 2023.
Plano rin ng asosasyon na gawing weaving hub ng Western Visayas Region ang bagong proyekto.