P20-M emergency employment program, inilaan ng DOLE sa Ilocos Norte

P20-M emergency employment program, inilaan ng DOLE sa Ilocos Norte

INILAAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Ilocos Norte ang halagang P20-M para sa emergency employment program.

Ito ay para tulungan ang mga walang trabaho, at nawalan ng trabaho sa loob ng minimum na 10 araw at hanggang 30 araw, depende sa uri ng gawain.

Ayon kay Anne Marie Lizette Atman, Ilocos Norte Provincial Employment and Service Office (PESO) Manager, inihahanda na nila ang kanilang mga planong gawin para sa listahan ng mga benepisyaryo sa probinsiya.

Unang ilalaan ang halagang P10-M sa mga benepisyaryo na maglilinis sa mga baradong daluyan ng tubig, para sa mga tree-planting activities, at maging ang fire prevention activities sa lugar.

Sa ilalim ng programa ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay papasok sa trabaho nang hindi bababa sa apat na oras bawat araw sa loob ng 15 araw katumbas ng P6,000 na sahod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter