DOLE-Central Pangasinan field office, nagsagawa ng gift giving sa 50 child laborers sa Dagupan

DOLE-Central Pangasinan field office, nagsagawa ng gift giving sa 50 child laborers sa Dagupan

NAGSAGAWA ng gift giving ang Department of Labor and Employment (DOLE)– Central Pangasinan field office sa 50 child laborers sa Dagupan City.

Personal itong dinaluhan ni Mayor Belen Fernandez at ibang mga opisyales ng siyudad na sumusuporta sa DOLE para labanan ang child labor.

Ang nasabing gift giving ay nakalinya sa project angel ng DOLE.

Layunin nito na magbigay ng social services tulad ng pamamahagi ng school supplies, pagkain, hygiene kits na binibigay ng mga sponsor o ‘angels’ para sa mga child labor at sa kanilang pamilya.

Follow SMNI NEWS in Twitter