NAARESTO ang isang 29 anyos na Pinay nitong Enero 9, 2025 matapos nadiskubre ang halos 4.6 na kilo ng cocaine sa kaniyang bagahe.
Tinatayang may street value ito na P24M.
Sa ulat ng Bureau of Immigration, hinarang ang Pinay nang dumating ito mula Sierra Leone sa Africa lulan sa isang Ethiopian Air Flight.
Nahaharap na ngayon ang Pinay sa isang kaso ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.