P3. 465-T revenue collection sa ilalim ng Duterte admin, pinakamalaki sa kasaysayan – BOC

P3. 465-T revenue collection sa ilalim ng Duterte admin, pinakamalaki sa kasaysayan – BOC

NAGKAROON ng pinakamalalaking halaga ng nakumpiskang smuggled products ang Duterte administration kung ikukumpara sa nakaraang mga administrasyon ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Pinagmalaki rin ng ahensiya ang mahigit na P3-T na revenue collection ng BOC sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Mula Hulyo 2016-Hunyo 2022 ay nagkaroon ng P3-T na revenue collection ang BOC.

Pagdating sa revenue collection, ayon sa BOC nakapagkolekta ito ng mahigit P3-T mula Hulyo 2016Hunyo 2022.

Habang pagdating naman sa mga nakumpiska nilang smuggled goods, umabot na ang halaga ng kanilang nakumpiska sa mahigit P95-B.

Ayon sa tagapagsalita ng BOC, nangyari lamang ito sa nakalipas na administrasyon.

Batay rin sa datos ng ahensiya, sa buong termino ng Duterte admin, taong 2021 ng makapagkumpiska sila ng pinamalaking halaga ng smuggled goods na aabot sa P28-B ang halaga.

Nilinaw naman ni BOC, na ang bawat smuggled product na kanilang nakukumpiska ay kanilang sinira, ina-auction o dino-donate.

Sa kaso ng mga smuggled na sibuyas at iba pang agri products, ayon sa ahensiya, ito raw ay kanilang sinusunog.

Pagdating naman sa nasampahan ng kaso ng ahensiya dahil sa iligal na aktibidad, umaabot na sa 477 ang nasampahan nila ng kasong criminal at administratibo.

Ngunit wala namang naipakulong ayon sa BOC official mula sa mga pinakasuhan.

Ang pag-prosecute daw kasi sa mga nakasuhan ay nakadepende na sa husgado at hindi sa BOC.

Maliban pa sa nabanggit na accomplishment, malaki rin ayon sa ahensiya ang nakumpiska nila pagdating sa illegal na droga sa loob ng 6 na taon.

Aabot sa mahigit na P17-B na halaga ng illegal drugs ang kanilang nakumpiska mula Hulyo 2016Hunyo 2022.

Pagdating naman sa assets ng BOC ay napaunlad din ito noong nakaraang administrasyon, kung saan sa loob ng 6 na taon ay nakapaginvest ito ng 200 body-worn cameras, 20 fast patrol vessels, 60 x-ray machines, 16 trace detection systems at 100 riffles.

Pagdating naman sa trade facilitation, pangatlo sa South East Asian ang Pilipinas.

Dahil sa mga katagumpayan na ito ng BOC sa pamamahala ni Chief Rey Leonardo Guerrero, may posibilidad na kaya rin ang pamamahala nito sa ilalim ng Marcos administration.

Samantala, naghihintay pa si Guerrero sa ngayon at wala pang ipinapalit ang Pangulo kay Guerrero.

 

Follow SMNI News on Twitter