P3.4M na halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Bacoor City

P3.4M na halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Bacoor City

ARESTADO ang isang high-value drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa isang open parking lot ng isang mall sa Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite.

Ang nabanggit na operasyon ay ginawa ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at PNP Cavite Maritime Police Station.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alias Eugene, 30 taong gulang at residente ng Solis St., Gagalangin, Tondo Manila.

Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang na 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P3,400,000 at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampal laban sa suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble