Mga nanalong party-list ipo-proklama ng COMELEC ngayong Lunes

Mga nanalong party-list ipo-proklama ng COMELEC ngayong Lunes

NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong party-list sa 2025 Midterm Elections ngayong araw, Mayo 19.

Ayon sa COMELEC, magkakaroon ng 63 upuan sa ilalim ng party-list system ang 20th Congress.

Ang naturang bilang ay kumakatawan sa 20% ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng House of Representatives.

Mula sa 155 party-list groups na lumahok sa midterm elections, nasa 52 dito ang bubuo sa 63 sectoral seats.

Nasa 15 party-list groups naman ang nakakuha ng tig-tatlong upuan sa Kamara kabilang na ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, 4Ps, ACT-CIS, Ako Bicol, Uswag Ilonggo, Solid North, Trabaho, CIBAC, Malasakit, at Bayanihan, Senior Citizens, Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP), Ml, at FPJ Panday Bayanihan.

Matatandaan na para makakuha ng upuan sa Kongreso ang isang party-list ay kailangan nitong makakuha ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang boto.

Ngayong 2025 Midterm Elections, nakapagtala ang COMELEC ng kabuuang 41,658,000 votes ang party-list system.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble