P3.68-B, ini-release para sa libreng Wi-Fi program ng DICT

P3.68-B, ini-release para sa libreng Wi-Fi program ng DICT

INILABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasa P3.68-B para maipagpapatuloy ang libreng Wi-Fi program sa buong bansa.

Umaasa ngayon si DBM Sec. Amenah Pangandaman na magiging mabilis ang disbursement ng pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para dito.

Benepisyaryo para dito ang nasa 13,462 access point sites sa ilalim ng free public internet access program.

Matatandaang sa unang bahagi ng Agosto ay sinabi ng DICT na nasa 2,600 na free Wi-Fi sites sa buong bansa ang kasalukuyang offline.

Rason dito anila, hindi nabayaran ng gobyerno ang mga telecommunication contractor.

Dagdag pa ni DICT Sec. Ivan Uy, noong Disyembre pa ng nakaraang taon nila hinihingi ang pondo para dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble