INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release ng P3-B (P3.049-B) na pondo para sa rehabilitasyon ng mga elementary at secondary school building.
Sa ilalim ito ng special allotment release order (SARO) ng 2023 General Appropriations Act.
Una nang inilabas ng DBM ang halos P2-B (P1.861B) mula sa kabuuang P5-B (P4.911-B) na hininging pondo para pa rin sa rehabilistasyon ng mga paaralan sa ilalim ng repair all policy.
Samantala, ire-release ng DBM ang inaprubahang P3-B sa Department of Public Works and Highways (DPWH).