P30.22B halaga ng naipalabas na home loans sa unang 3 buwan ng 2025—Pag-IBIG

P30.22B halaga ng naipalabas na home loans sa unang 3 buwan ng 2025—Pag-IBIG

AABOT sa P30.22B ang halaga ng home loans na naipalabas ng Pag-IBIG Fund sa unang tatlong buwan ng taon.

Mas mataas ito ng 8% kumpara sa parehong panahon noong taong 2024.

Kumpara sa P28.09B na naitala noong nakaraang taon, tumaas ito ng higit P2B ngayong taon.

Sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na isa itong patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pag-IBIG na magbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble