TINATAYANG nasa P30-M na halaga ng expired na frozen na karne at iba pang meat products ang nasamsam sa isang storage facility sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, nakalagay sa 5 container vans ang naturang imported products mula pa sa China at Germany at nakapasok sa bansa noon pang 2021.
Agad namang sasampahan ng kaso ng Bureau of Customs (BOC) sa oras na matukoy ang mga illegal importer.
Tiniyak naman ni Mayor Malapitan ang maayos na disposal ng mga expired na karne para hindi na ito makarating pa sa mga pamilihan na magdudulot hindi lang ng panganib sa kalusugan kundi maging sa mga lokal na negosyo.