NAKUMPISKA ng Department of Justice Anti-Agricultural Economic Sabotage (AAES) Council ang nasa 26.5K (26,526) na sako ng smuggled na bigas sa Talisay City, Cebu.
Nagkakahalaga ito ng P38M.
Isinagawa ng AAES Council ang naturang operasyon sa Cebu noong Hunyo 20, isang araw matapos maglabas ng Letter of Authority ang Executive Committee.
Nag-aatas ito sa enforcement group na inspeksiyunin ang iba’t ibang warehouse sa Kimba Compound dahil sa hinalang naglalaman ito ng ipinuslit na produktong agrikultural.
Noong Hulyo 8 naman nang ipinag-utos ng Court of Tax Appeals ang pagsamsam ng mga naturang produkto kasunod ng petisyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pakikipagtulungan ng special team of prosecutors ng DOJ.