P3B na ilegal na vape products winasak ng Bureau of Customs

P3B na ilegal na vape products winasak ng Bureau of Customs

WINASAK ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril 7, 2025 ang higit 3 bilyong piraso ng iligal na vape products na kanilang nasamsam noong nakaraang taon.

Partikular na nasamsam ito sa 10 operasyon na isinagawa ng Port of Manila, Manila International Container Port, at Intelligence Group noong 2024.

Katumbas naman ang mga sinira sa halagang P3B ayon sa pahayag ng Department of Finance (DOF).

Ang pagsira sa mga produkto ay alinsunod sa Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na nagpapatupad ng mahigpit na alintuntunin sa pag-aangkat, distribusyon at pagbubuwis ng mga naturang produkto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble