NASAMSAM ng Bureau of Customs ang anim na parcel na naglalaman ng ecstasy at heroin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes, May 13, 2025.
Sa ulat ng ahensiya, nasa 1,330 na tableta ng ecstasy ang kanilang nakuha at nasa 362 grams ang heroin. Katumbas ito ng P4.43M.
Sinabi ng BOC na mula sa Ireland, Netherlands, at Thailand ang mga ilegal na droga.
Ang mga nakumpiskang droga ay isinuko na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang legal na aksiyon.
Follow SMNI News on Rumble