NAKUMPISKA ng Bureau of Custom ang mga ipinuslit na mga imported na gulay na nagkakahalaga ng P4.7-M matapos ang isinagawang buy-bust operation ng ahensya.
Aabot sa P4.7-M halaga ng mga ipinuslit ng mga gulay ang kinumpiska ng Bureau of Customs sa tatlong tindahan sa Carmen Planas street, Tondo, Maynila.
Sa isang buy-bust operation, nakumpiska ang kahon-kahong ng mga carrots, broccoli, at bawang, sibuyas, at luya sa isang tindahan na iba ang istura kaysa sa mga lokal na gulay.
Hinanapan ng mga dokumento ng BOC ang mga tindahan na magpapatunay na may permiso ang mga ito na magbenta ng imported na gulay at tamang pagbabayad ng buwis ngunit walang maipakita ang mga tindahan.
Samantala, nagpaalala ang department of agriculture ukol sa mga gulay na maaaring makasama sa kalusugan dahil hindi alam kung ano ang pesticide at formalin content ng mga gulay na ito.