Social distancing, hindi nasunod ng ilang taga-suporta ni Manila Mayor Isko Moreno

Social distancing, hindi nasunod ng ilang taga-suporta ni Manila Mayor Isko Moreno

HINDI nasunod ang social distancing ng ilang taga-suporta ni Manila Mayor Isko Moreno.

Sa kabila ng paalala ng pamahalaan na iwasan ang pagkukumpol kumpol dahil sa panganib na dulot ng Covid-19, ay hindi pa rin ito na susunod ng ilan sa ating mga kababayan ang social distancing lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Kanina sa paghahain ng kandidatura bilang Pangulo ni Manila Mayor Isko Moreno, hindi nasunod ang minimum health standard ng kanyang mga taga suporta.

Hindi kagaya noong mga nakalipas na filing of Certificate of Candidacy na malapiyesta ito.

Dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19, hindi pa rin napigilan ng ilan sa mga taga suporta ng mga tumatakbo sa matataas na posisyon ang magtipon-tipon.

Maaga pa lang nag-abang na ang iilang taga suporta ni Manila Mayor Isko Moreno sa harap ng PICC sa Pasay.

Matiyagang naghintay ng ilang oras, masilayan lang ang kanilang kandidato sa pagkapangulo.

Nang dumating na ang convoy ng Alkalde, hindi na nasunod ang ipinatutupad na health protocol.

Sa panayam, sinabi ni Arafat Kusain Secretary General ng Inisyatibo ng Makabagong Pilipino (IMP) dahil sa ipinatutupad na panuntunan ng Inter Agency Task Force, ay minabuti nilang kaunti lang ang dadalhin na supporters.

Ngunit sa kabila nito ay hindi nila napigilan ang mga taong lumapit sa convoy ng Alkalde.

Ang senatorial aspirant ng aksyon demoktriko na si Samira Gutoc ay nandoon din at nag pakita ng suporta kay Isko at sa katandem nitong si Dr. Willie Ong.

Ayon sa Commission on Elections, nasa Local Government Unit kung saan nasasakop ang pag kontrol sa lugar kung saan magtititpon tipon ang mga taga suporta ng mga kandidato.

SMNI NEWS