IPATUTUPAD na sa Marso 31 ang P45 kada kilo na maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas dahil sa patuloy na pagbaba ng pandaigdigang presyo nito, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Noong Enero 20, unang itinakda sa P58 kada kilo ang SRP ng imported na bigas bago ito bumaba sa:
- P55 kada kilo noong Pebrero 5
- P52 kada kilo noong Pebrero 15
- P49 kada kilo noong Marso 1
Ang Vietnam ang pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ng imported na bigas.