NASA P46M (P46,128,248) na ang kabuuang humanitarian assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay ang datos sa disaster update ng ahensiya as of 6 PM nitong Oktubre 23, 2024.
As of 4 PM, sinabi ng DSWD na nasa P204M (P204,339,312) ang naka-standby na pondo para sa relief operations.
Habang P2.7B (P2,702, 324,138) ang halaga ng food at non-food items.
Samantala, namahagi na ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa Bicol kagabi.
Sa pamamagitan ng OVP-Bicol Satellite Office, namigay ng hot meals at bottled waters ang mga kawani ng tanggapan sa mahigit 1K frontliners at responders mula sa Legazpi City at Daraga DRRMO, Daraga Public Safety Officers, Legazpi City 911 Command Center, Albay Provincial Safety and Emergency Management Office, at Legazpi City Police Station and Community Police Stations.
Namigay rin ang tanggapan sa mga apektadong pamilya sa mga barangay ng Ems Barrio, Lapu-Lapu, at Bitano maging sa mga apektadong mga estudyante mula sa Bicol University Legazpi and Daraga campuses.