NASA 19 kilo ng high grade marijuana o kush ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operations sa Marilao, Bulacan.
Ayon sa mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), nagkakahalaga ito ng P28M.
Habang nasabat din sa isa pang operasyon ng pulis ang 12 kilo ng kush sa Balagtas, Bulacan na may estimated value na P18M.
Isang 40-anyos na lalaki ang nahuling suspek sa Blk. 2 lot 10 Northville 6., Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan at isang 40-anyos na suspek ang nahuli sa Marilao.
Pawang nakasilid sa plastic bag ang mga ilegal na droga at agad itong dinala sa Bulacan Provincial Police para sa dagdag pang eksaminasyon pagdodokumento.
Habang nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga suspek.
Ayon kay PNP DEG Director PBGen. Eleazar Matta, ang pagkakahuli sa mga suspek at kilo-kilong ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na monitoring laban sa paggamit, pagbebenta at anumang ilegal transaksiyon ng ipinagbabawal na gamot.
“Our team’s successful operation has significantly disrupted drug distribution in the region, resulting in an arrest and substantial drug seizures. This success not only affects the drug trade but also contributes to a safer and healthier community. We will continue to monitor and address this kind of illegal trade,” ayon kay PBGen. Eleazar Matta, Director, PNP-DEG.