P5.5M halaga ng ‘di rehistradong fertilizers, pesticide nasabat sa Las Piñas

P5.5M halaga ng ‘di rehistradong fertilizers, pesticide nasabat sa Las Piñas

AABOT ng P5.5M ang halaga ng nakumpiskang pataba at pesticide pati na rin mga veterinary medicine sa Las Piñas City.

Kinumpiska ito dahil sa kawalan ng kaukulang lisensiya o rehistro mula sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isinagawa ang operasyon para dito noong Biyernes, Mayo 30, 2025 sa isang residential area.

Humantong naman sa pagkakaaresto ng limang indibidwal ang naturang operasyon.

Naharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1144 series of 1997 at dahil sa panloloko o estafa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble