P56-M na shabu, nakumpiska ng BOC sa MICP

P56-M na shabu, nakumpiska ng BOC sa MICP

NAGKAKAHALAGA ng P56-M ang nakumpiska na shabu ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.

Sa ulat ng ahensiya nitong Mayo 8, 2024, dumating ang isang balikbayan box sa Manila International Container Port (MICP) noong Abril 7.

Ang laman nito ay idineklarang mga damit, motor parts, at iba pa.

Nang masuri ng BOC ay halos 8.3K (8,290) na gramo ng shabu ang nakatago sa mga electric fan at water heaters.

Ipinangako ng BOC na mananagot ang sinumang nasa likod nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble