APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang release ng P5B para sa assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Partikular na magiging benepisyaryo ng pondo ang mga apektado ng sunud-sunod na mga bagyo.
Kung titingnan, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), makakapag-alok ang DSWD ng medical, burial, transportation, education, food assistance, at financial aid para sa mga indibidwal o pamilyang nahaharap sa mga emergency.
Simula sa huling bahagi ng Oktubre hanggang ngayong Nobyembre 18, 2024 ay anim na bagyo na ang dumaan at nanalasa sa Pilipinas.