P6.8M halaga ng shabu nasamsam sa drug buy-bust operation

P6.8M halaga ng shabu nasamsam sa drug buy-bust operation

MATAGUMPAY na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR) –Quezon City District Office at ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit NCR ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Malinta, Valenzuela City noong Hunyo 11, 2025.

Ayon sa PDEA, naaresto ang 46-anyos na lalaki na kilala sa alyas na “Romy” matapos magbenta ng humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP 6,800,000.00.

Nakumpiska sa suspek ang isang green ecobag na may label na “7/11” na naglalaman ng brown paper bag na may logo na “Adidas and Adiclub JOIN US NOW” at isang green aluminum foil pack na may marka na “Qin Shan” na naglalaman ng puting kristal na substansiya na hinihinalang shabu.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA RO-NCR at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

P3.4M na halaga ng marijuana leaves at seeds, itinurn over sa PDEA

Samantala, isang malaking halaga ng hinihinalang marijuana leaves at seeds na nagkakahalaga ng PHP 3.4M ang isinurender sa PDEA Laguna Provincial Office noong Hunyo 12, 2025.

Ayon sa PDEA, ang mga nasabing marijuana leaves at seeds ay may timbang na humigit-kumulang 30 kilo at nagkakahalaga ng P3,960,000.00.

Ang mga ito ay dinala sa PDEA Regional Office 4A sa Brgy. Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna para sa chemical analysis.

Pinuri ng PDEA CALABARZON ang inisyatiba ng mga pribadong mamamayan sa pagsurender ng mga ilegal na droga.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga posibleng paglabag sa batas ng droga.

Ang PDEA ay patuloy na magsusumikap upang labanan ang ilegal na droga at panatilihin ang kaayusan at seguridad sa komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble