P656.29-M, sales ng “Go Lokal!” marketplace hanggang Setyembre 2023—DTI

P656.29-M, sales ng “Go Lokal!” marketplace hanggang Setyembre 2023—DTI

IBINAHAGI ng Department of Trade and Industry (DTI) na umabot sa P656.29-M ang sales mula sa “Go Lokal!”, ang free-market access platform para sa Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs).

Ang datos ay update ng DTI hanggang Setyembre 2023.

Inilunsad ang “Go Lokal!” noong Disyembre 2016 na may kabuuang 160 outlets sa buong bansa.

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nasa 112 retail stores ang natira.

Sa kabila rito, dahil sa naging resulta nito ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ni DTI- Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP) Director Marievic Bonoan sa lahat ng “Go Lokal!” retail partners sa patuloy na pagsuporta dito na nakatutulong para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble