HALOS P700M ang halaga ng ilegal na droga na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang matagumpay na buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga nitong umaga ng Mayo 14.
Arestado sa operasyon ang isang dayuhang Tsino na kinilala bilang si alyas Wang, 24 anyos, kasama ang kanyang kasabwat na isang Pinay na si alyas Sha. Nasamsam mula sa kanila ang 101 kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa mga pakete ng tsaa.
Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay posibleng bahagi ng isang malaking sindikato ng droga.
Target ng mga kapulisan na malaman ang pinagmulan ng mga droga at madakip ang mga posible pang kasabwat ng mga suspek.