NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang isang parcel na naglalaman ng P7.6M na halaga ng ecstasy tablets sa Port of Clark, Pampanga.
Ibinahagi ito ng BOC nitong Miyerkules, Abril 9, 2025.
Ang ecstasy tablets ay nadiskubreng itinago sa mga kahon ng gummy candies, ayon sa BOC.
Dumating ito sa Clark mula Belgium noong Abril 2 at nakatakda itong ipadala sa Quezon City.
Samantala, ang operasyon ay isinagawa batay sa impormasyong ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol sa nasabing shipment.
Follow SMNI News on Rumble