P705M halaga ng ilegal na droga nasamsam ng PDEA sa isang linggo

P705M halaga ng ilegal na droga nasamsam ng PDEA sa isang linggo

AABOT sa humigit-kumulang P705M ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) simula Mayo 9–16, 2025.

Sa kabuuan, nasa 103,727.58 gramo ang nakumpiskang shabu; 94.68 gramo ng marijuana kush at tuyong dahon nito; 3,000 tanim na marijuana; at 1, 000 gramo ng ephedrine.

Ang mga nasamsam ay mula sa National Capital Region, Gitnang Luzon, CALABARZON, Gitnang Visayas, Cordillera, at Western Mindanao.

Mula sa mga isinagawang anti-narcotics campaign, naaresto naman ang 41 high-value drug personalities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble