NASA P807M ang pondo na inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga homeless na kabataan at pamilya.
Ito ang ibinahagi ng ahensiya sa ilalim ng kanilang Oplan Pag-abot Program na inilunsad noong nakaraang taon.
Ang naturang programa ay nagbibigay ng financial at transport assistance para sa mga homeless.
Ngayong taon lang ay 741 katao at 1,380 na pamilya na ang natulungan ng Oplan Pag-Abot Program.