Pa-Talk ng DZAR, malaking tulong para sa mga nagsisimulang negosyo sa bansa

Pa-Talk ng DZAR, malaking tulong para sa mga nagsisimulang negosyo sa bansa

MULA sa mga iba’t ibang produkto gaya ng pagkain at pampaganda hanggang sa mga samu’t saring serbisyo tulad ng mga beauty and wellness, medical, restaurant, at accommodation.

Mahigit isang taon na ngang nagbibigay boses sa mga negosyanteng Pinoy ang programang Pa-Talk na napapanood sa DZAR 1026 Sonshine Radio.

Naging daan ang Pa-Talk para makilala sa buong Pilipinas at buong mundo ang iba’t ibang negosyo at serbisyo na proudly Pinoy.

Para kay Best Choice Awards Council Chairman Wilfredo Lemque Jr. malaki ang naitutulong ng nasabing programa para sa mga umuusbong na mga negosyo sa bansa.

‘‘Very timely kasi ang Pa-Talk. Isa ito sa trend ngayon na kung saan dapat tinutulungan natin ang mga umuusbong na mga negosyo that we are able to feature them, help their branding, build-up their reputation and networking also. It’s very important kasi na nafe-feature natin na mayroon tayong ganitong mga programa na natutulungan sila,” pahayag ni Wilfredo Lemque Jr. Chairman, Best Choice Awards Council.

 Nagsisilbi rin aniyang inspirasyon ang Pa-Talk para sa mga indibidwal na nais pumasok sa larangan ng pagnenegosyo.

‘‘We are able to provide programs katulad nitong sa Pa-Talk na talagang mai-inspire ka rin kapag nag-guest ka rin o manonood ka ng programang Pa-Talk.

“Matutuwa ka na puwede palang ganoon. So, you will be inspired to do something and continue kung anong nasimulan mo sa negosyo mo,’’ ayon pa kay Lemque.

Programang Pa-Talk ng DZAR, kinilala bilang ‘Outstanding Business Program in Radio’

Dahil sa natatanging kontribusyon ng Pa-Talk sa mundo ng pagnenegosyo, kinilala ang programa sa taunang Best Choice Awards na ginanap sa Solano Hotel sa Lipa, Batangas nitong Sabado ng gabi.

Pinarangalan ang nasabing programa bilang “Outstanding Business Program in Radio”.

‘‘For Pa-Talk, we are very happy that we are recognizing you today, tonight. And we do hope that you will continue profiling, giving best businesses their best assistance, and hopefully more power sa lahat ng mga nai-involve sa Pa-Talk,’’ aniya Wilfredo Lemque Jr.

‘‘Hindi namin ini-expect ang award na ito dahil baguhan pa lang ang Pa-Talk pero nagpapasalamat kami nang lubos, unang-una sa Diyos dahil sa blessings na ito. Hindi naman ito makakamit kung wala ang Diyos. Salamat din sa Best Choice Awards na isa kami sa mga nabigyan ng parangal sa gabing ito.’’

‘‘Salamat sa mga naging bahagi ng programang Pa-Talk, mula sa aming mga naging guests, mga technical and production staff… Mga followers namin sa social media at sa lahat ng mga sumusuporta sa amin.’’

Maraming, maraming salamat po. Para sa ating lahat ang tagumpay na ito,’’ ayon pa kay Lilibeth Yap, Program Host, Pa-Talk.

Totoo nga na sa Pa-Talk, may oportunidad sa bawat katok.

Mapapakinggan at mapapanood ang programang Pa-Talk mula Lunes hanggang Biyernes, 1:00 hanggang 2:00 ng hapon sa Facebook Page at YouTube Channel ng DZAR 1026 Sonshine Radio.

At para hindi mahuli sa mga latest updates, i-follow lang ang Pa-Talk sa Facebook, YouTube at TikTok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble