Paayuda ni Marcos Jr. muling binara ng isang ekonomista

Paayuda ni Marcos Jr. muling binara ng isang ekonomista

TARGET ng Marcos admin na maibaba sa single digit ang poverty level sa bansa at maiahon ang milyun-milyong mga Pilipino sa kahirapan pagdating ng 2028.

Sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), nasa 10.9% ang poverty incidence nitong 2023.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 17.54 milyong Pinoy ang hindi kayang bilhin ang mga basic commodities o mga pangunahing pangangailangan nila.

Ayon sa ekonomistang si Michael Batu, para mapababa ang poverty level ng bansa ay kailangang lumago muna ang ating ekonomiya ng 8%.

At kahit lumago pa aniya ang ekonomiya kung nanatiling mataas ang inflation dahil sa kawalan ng seryosong aksiyon ng gobyerno ay malabong bumaba ang kahirapan sa bansa sa taong 2028.

Ang patuloy na pamamahagi ng ayuda at ang pagpapalawak pa ng coverage nito ay indikasyon na hindi gumaganda ang ekonomiya ng bansa.

Kamakailan lang ay inaprubahan ni Marcos Jr ang expansion ng 4Ps coverage sa mga pregnant women.

Giit pa ni Batu, ang ayuda ay band aid o short term solution lamang sa kahirapan.

Maliban diyan ay ginagamit ito ng mga politikong gustong magpabango sa mga Pilipino.

“The fact that President in his recent SONA was alluding to the expansion of the ayuda. If the gov’t is indeed expanding ayuda what it means the economy is not doing well. Why do you expand ayuda if the economy is doing well? It does not make sense. The issue here is not digitalization, digitalization is okay, the issue here is why the gov’t is expanding the ayuda in the midst of supposedly high economic growth,” ayon kay Dr. Michael Batu, Ekonomista.

“Ultimately the issue about ayuda is that it is only a temporary solution, ayuda is never meant to be a permanent solution. What the gov’t is doing is that they are using ayuda for political purposes. In fact, they are using ayuda to make themselves popular,” giit pa nito.

Ang ilang residente sa Maynila, hindi rin bilib sa paayuda ng Marcos administration.

DSWD, pursigidong palakasin ang paggamit ng e-wallet sa pamamahagi ng ayuda

Sa kabila nito, tuluy-tuloy pa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi nito ng ayuda.

Pursigido rin silang gumamit ng e-wallet sa pamamagitan ng GCash at PayMaya para umano mas madaling makukuha ng mga mahihirap ang paayudang pera.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble