POSIBLENG makasuhan ng libel si Senator Manny Pacquiao dahil sa mga pinagsasabi nito laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang rason kung bakit hindi siya lalahok sa presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Ito ang inihayag ni legal counsel ng Kingdom Of Jesus Christ sa manila na si Atty. Ferdinand Topacio.
Dagdag pa ni Topacio, hindi dapat gawing rason ni Pacquiao ang mga kaso ni Pastor Apollo sa Amerika dahil hindi pa naman ito napapatunayan sa korte at ito ay mga alegasyon pa lamang.
“Kitang-kita naman po natin, tingnan na lamang po natin ang mga elemento ng krimen ng libel, a public and malice imputation of a vice, a crime or a defect. Isang krimen o isang depekto sa pagkatao sa iyong pagkatao sa iyong karakter. Anong sinabi ni Sen. Pacquiao? Unang- una, sinabi niya na para bang totoong-totoo na at napatunayan na sa isang hukuman at final na ang judgement na si Pastor Quiboloy ay nagmo-molestya ng mga bata,”pahayag ni Topacio.
Paglilinaw ni Atty. Topacio, hindi pa nag-uumpisa ang trial at hindi pa alam kung may extradition request na.
Aniya, kung saka-sakaling may extradition request ito ay dadaan pa sa pagdinig kung ito ba ay may probable cause.
Pinuna rin nito si Pacquiao sa pagsasabi nito na ginagamit ni Pastor Apollo ang Diyos sa scam.
“Ayan ho ay crime o vice-“krimen ng estafa”, ‘yan po ay elemento ng libelo. At sinabi po niyan, mapapatunayan po natin na may malisya sapagkat may dati na pong hidwaan o away sa pagitan ni Sen. Pacquiao at Pastor Quiboloy that gives to malice, ‘yung poot o galit kay Pastor,” ani Topacio.