Pag-aangkat ng sea salt mula sa South Korea ipinagbabawal muna ng US

Pag-aangkat ng sea salt mula sa South Korea ipinagbabawal muna ng US

IPINAGBABAWAL ng Estados Unidos ang pag-aangkat ng mga produktong sea salt mula sa Taepyung Salt Farm, ang pinakamalaking salt farm sa South Korea.

Ito’y dahil may nakita silang makatwirang indikasyon ng forced labor o sapilitang paggawa.

Sila ang kauna-unahang trade partner ng South Korea na gumawa ng naturang hakbang laban sa matagal nang isyu sa Korean salt farms.

Sa ilalim ng kautusang inilabas, inaatasan ang mga tauhan ng Customs sa lahat ng pantalan ng Estados Unidos na i-hold ang lahat ng produktong sea salt na nagmula sa nasabing sakahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble